BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Tuesday, March 22, 2011


Noong bata pa ako, natatakot akong managinip kasi puro nakakatakot halos lahat ng panaginip ko.Ang madalas kong mapanaginipan ay iniwan ako ng aking nanay sa kalagitnaan ng gabi at ay may humabol sa aking pusang lampong na para bang gusto akong kainin,pigil hininga akong tumakbo ....sige takbo,takbo ako ng takbo hanggang sa huminto na kakatakbo ang mga binti ko. Kahit anong galaw ko ay wala pading magawa, ang tanging nagawa ko lang ay umiyak ng umiyak hanggang sa maramdaman ko nalamang na may yumuyugyog sa aking balika.Pag mulat ko ng aking mga mata ay nabungaran ko kaagad ang muka ng aking nanay na my bahid ng pag aalala, sabay yakap ko ng mahigpit sa aking nanay at ang sabi ko nalamang ay "Salamat! panaginip lang pala"

0 comments: